AlDub to MaiDen: Totohanan na to, uyyyyy!

Last Saturday, naganap ang first date ni Alden at Yaya Dub at bilang natupad nila ang mga kondisyones ni Lola Nidora, nag announce si Lola nung Thursday ng “Sige na, binubuksan ko na ang pinto ng mansyon namin sayo Alden, pwede ka ng umakyat ng ligaw kay Yaya.” Upon hearing those, I was like “O.M.G!!!” I was so freakin’ excited, who wouldn’t, this time, walang plywood, walang blindfold, walang alarm, walang long table, walang Rogelios at one foot lang ang distance!!! Pero we all know Lola Nidora, lagi syang may bilin, NO TOUCH!

At eto na nga!!! National Pabebe Wave Day! Mas excited pa ata ako kesa kina Alden at Maine. Nakakatuwa how whole Dabarkads support Alden and Maine. It’s like si Alden ay nakakabatang kapatid or pamangkin sa broadway na binibigyan ng mga bilin, ng pabaon and si Maine ay apo ng mga protective at istriktang lola sa barangay. Hihi

Bukod sa no touch at chicharon na bilin ni lola, isa sa mga lambing nya kay Alden ay kakanta sya ng God Gave Me You ng live. Yes, ginawa nya at sobrang tinunaw nya lang naman ang puso ko. Hindi ko napigilan ang emosyon ko nung napaiyak si Alden habang kinakanta nya ang God Gave Me You! Maging si Lola Nidora, napaiyak nya. Di ko maexplain ang nararamdam ko, lalo na nung sinabi nyang, “Lagi po akong nagpapasalamat sa inyong lahat, pero ngayon ang kantang ito ay inaalay ko po kay Meng.” And I love him even more for that.

image

At eto na nga palapit na ng palapit si Alden sa mansyon. Nung nakarating sya at sinalubong sya ni Riri (kilala mo dapat kung sino yan) , hinarap ni Tidora at Tinidora, winelcome sya ni Lola Nidora, hero comes Divina or should I say Maine? Hihi One foot distance for the win!! Yung sobramg lapit na sa isa’t isa!! Hahaha Sa dami ng ganap kanina, subuan pa more, punasan ng pawis pa more, flying kiss pa more, picture pa more, hindi ko na alam kung ano ang babaligtarin ko sa bahay namin sa sobrang kilig. Bukod ang hampas ko sa upuan, sa kapatid ko, sa unan, with matching tili! Hahaha Hindi ko alam kung uupo ba ko o tatayo. Yung wala kang mapagsidlan ng kilig at ligaya mo eh!

Yung no touch ni Lola, medyo nakalimutan kasi nabulunan si Yaya eh. Holding hands pa more!!!

image

At bilang nagparinig na si lola na siesta na nya, kelangan ng magpaalam ni Alden. Bago sya umalis, may inabot na sulat sa kanya si Maine, and talagang mayayakap ko si Tidora nung sinabi nya na, “Ayyy, bakit totoong pangalan ang nakalagay? Richard oh!” Love you Tidora, pati din kay Tinidora sa pagtulak tulak kay Alden! Haha

Sa sobrang tuwa at kilig, nagsalita na si Yaya ng “This must be love!”

Opo, opo, tama po ang nabasa nyo, nakapagsalita na nga po si Yaya. Narinig na po natin ang tinig nya. Maghohost na rin kaya si Yaya? Hahaha abangan lamang po yan sa kalyeeeeeeeeserye! *Gasgas Abelgas voice here*

At syempre pinahanga at pinasaya na naman tayo ng nag-iisang Wally Bayola.

image

Sya si Rihanna, ang mayordoma sa mansyon na bestie ni Divina. Sobrang galing lang ng ginagawa nya, sa episode ngayon ng kalyeserye, sya ay naging si Rihanna at Lola Nidora. Define versatility now.

Today’s hashtag #AlDubEBforLove already reaches 24Million tweets and counting! Never underestimate the power of #ALDUBnation! NEVER!!

image

image

Legit!! Their first picture together! And magkakaron pa ng second, third, fourth at maraming marami pa!

And iniisip ko pa din ngayon kung ano ang laman ng sulat ni Maine kay Alden.

image

Tuloy ang forever!!!

P.S bakit nga ba “AlDub to MaiDen: Totohanan na to, uyyy” ang title ng blogpost ko na to? Kasi si Alden at Maine ang napanood ko kanina eh, not the fictional Alden’s character and not Yaya DUB. Haha Naniniwala ako sa forever nila Tisoy at Meng. Naniniwala ako na hindi malabo na maging sila talaga. Itanong mo pa yan sa naipawis ni Alden! Hahaha Naniniwala ako na espesyal na sila para sa isa’t isa. Naniniwala ako na they have each other’s back now. Naniniwala ako na they are really God’s gift for each other. Naniniwala ako sa forever nila. Umaasa ako sa forever nila. (sumipa na naman ang pagkahopeless romantic ko haha)

Happy National Pabebe Wave Day! Spread love, happiness and good vibes! We are one! 👋


Discover more from The Life She Creates

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

One thought on “AlDub to MaiDen: Totohanan na to, uyyyyy!

Leave a comment