Hmmm, pano ba? Hopeless romantic talaga ko so kahit na simpleng loveteam lang kinikilig na ko. Sobra kong nabaliw sa KathNiel. At ngayong meron AlDub ( Alden and Yaya Dub) doble ang pagkabaliw ko sa kanila! I’m going nuts with this AlDub pandemonium!
To those people who don’t have an idea who AlDub is, well sila lang naman ang main characters sa kalyeserye ng Eat Bulaga sa segment nilang Juan fo All, All for Juan. It all started with the pabebe wave when Alden watched Yaya Dub.. at hanggang sa nagkaron na ng kwento ang lahat.
I don’t know, pero talagang kilig na kilig ako pag nagpapabebe wave sila sa isa’t isa, pabebe swear at ang mga dubsmash nila ng love songs. Honestly, ngayon ko lang mas naappreaciate si Alden, sino ba ang hindi kikiligin sa bae ng bayan, his charming smile, may dimple pa, sabay dubsmash ng God Gave Me You *swoon*.
Ang hinihintay ko talaga ay dumating na yung tamang panahon para magkita sila.
Alam mo yun, dahil sobrang fan ka, minsan nakakafrustrate na na di pa din sila nagkikita, yung akala mo na yun na, bigla namang hinimatay si Yaya Dub. Saklap! Ayaw pa ng tadhana na magkita ang dalawa.
Another hopia, yung akala mo magkikita na ulit sila kasi parehas lang silang nasa Broadway bilang performance ni Yaya Dub, eh hindi pa rin talaga. Nag ala-Cinderella si Yaya. Sabi nga ni Lola Nidora, SA TAMANG PANAHON!
Monthsary na nina AlDub, may challenge si Lola, dalhin ang kahoy kay Rogelio from Broadway to EDSA within 20 mins?! Ang reaction ko, aabot ba si Alden?! Pero di nagpatalo si bae, takbo lang at in 17mins nakarating sya sa EDSA! God job!!
Alam mo yun, yung mga simpleng ganun, they got me! Aabang ka na ulit kung ano ang susunid na hamon ni Lola. Aabang ka na ulit kung magagawa ba ulit ni Alden para kay Yaya. Aabang ka na ulit kung kelan makukuha ang diary at kung ano ba talaga ang nasa diary. Aabang ka na ulit kung kelan ba talaga ang TAMANG PANAHON.
Minsan nga naiisip ko, nadedevelop na kaya sila sa isa’t isa kahit di pa sila nagkikita? Pano kaya pag nagkita na sila, nagkaharap na sila, di kaya sila magkahiyaan, di kaya sila maakwardan? Hahaha
After nung challenge, may nag tweet!

Sabi ko sa sarili ko, si Maine na to eh, di na to si Yaya! Hahahhah
Haaay! Alam ko naman na at this point reel eh, pero who knows, malay natin, bigla na lang sila magkaseryosohan. Biglang totohanan na pala! Sana. Sana. Wala namang masama, single sila parehas. Bagay naman sila. May chemistry.
Pero pag mapapanood mo yung dalawa as days goes by, iba na yung smile at kilig nila eh. Iba na yung sparks. Hahaha parang Alden at Maine na! Hahaha
At eto lang, binuo ulit nila ang Sunday ko!

Yaya Dub’s promise me now.

And then, Alden answered, This I promise you!!
Kyaaaaahhhh!!! Kilig overload! Ang saya lang.
Basta, whatever happens, happens.
We all know love really works amazingly. Love happens unexpectedly. Love has it’s own magic. So I will still believe that AlDub can be REAL. It can be Alden and Maine.


You must be logged in to post a comment.