AlDub to MaiDen: Totohanan na to, uyyyyy!

Last Saturday, naganap ang first date ni Alden at Yaya Dub at bilang natupad nila ang mga kondisyones ni Lola Nidora, nag announce si Lola nung Thursday ng “Sige na, binubuksan ko na ang pinto ng mansyon namin sayo Alden, pwede ka ng umakyat ng ligaw kay Yaya.” Upon hearing those, I was like “O.M.G!!!” I was so freakin’ excited, who wouldn’t, this time, walang plywood, walang blindfold, walang alarm, walang long table, walang Rogelios at one foot lang ang distance!!! Pero we all know Lola Nidora, lagi syang may bilin, NO TOUCH!

At eto na nga!!! National Pabebe Wave Day! Mas excited pa ata ako kesa kina Alden at Maine. Nakakatuwa how whole Dabarkads support Alden and Maine. It’s like si Alden ay nakakabatang kapatid or pamangkin sa broadway na binibigyan ng mga bilin, ng pabaon and si Maine ay apo ng mga protective at istriktang lola sa barangay. Hihi

Bukod sa no touch at chicharon na bilin ni lola, isa sa mga lambing nya kay Alden ay kakanta sya ng God Gave Me You ng live. Yes, ginawa nya at sobrang tinunaw nya lang naman ang puso ko. Hindi ko napigilan ang emosyon ko nung napaiyak si Alden habang kinakanta nya ang God Gave Me You! Maging si Lola Nidora, napaiyak nya. Di ko maexplain ang nararamdam ko, lalo na nung sinabi nyang, “Lagi po akong nagpapasalamat sa inyong lahat, pero ngayon ang kantang ito ay inaalay ko po kay Meng.” And I love him even more for that.

image

At eto na nga palapit na ng palapit si Alden sa mansyon. Nung nakarating sya at sinalubong sya ni Riri (kilala mo dapat kung sino yan) , hinarap ni Tidora at Tinidora, winelcome sya ni Lola Nidora, hero comes Divina or should I say Maine? Hihi One foot distance for the win!! Yung sobramg lapit na sa isa’t isa!! Hahaha Sa dami ng ganap kanina, subuan pa more, punasan ng pawis pa more, flying kiss pa more, picture pa more, hindi ko na alam kung ano ang babaligtarin ko sa bahay namin sa sobrang kilig. Bukod ang hampas ko sa upuan, sa kapatid ko, sa unan, with matching tili! Hahaha Hindi ko alam kung uupo ba ko o tatayo. Yung wala kang mapagsidlan ng kilig at ligaya mo eh!

Yung no touch ni Lola, medyo nakalimutan kasi nabulunan si Yaya eh. Holding hands pa more!!!

image

At bilang nagparinig na si lola na siesta na nya, kelangan ng magpaalam ni Alden. Bago sya umalis, may inabot na sulat sa kanya si Maine, and talagang mayayakap ko si Tidora nung sinabi nya na, “Ayyy, bakit totoong pangalan ang nakalagay? Richard oh!” Love you Tidora, pati din kay Tinidora sa pagtulak tulak kay Alden! Haha

Sa sobrang tuwa at kilig, nagsalita na si Yaya ng “This must be love!”

Opo, opo, tama po ang nabasa nyo, nakapagsalita na nga po si Yaya. Narinig na po natin ang tinig nya. Maghohost na rin kaya si Yaya? Hahaha abangan lamang po yan sa kalyeeeeeeeeserye! *Gasgas Abelgas voice here*

At syempre pinahanga at pinasaya na naman tayo ng nag-iisang Wally Bayola.

image

Sya si Rihanna, ang mayordoma sa mansyon na bestie ni Divina. Sobrang galing lang ng ginagawa nya, sa episode ngayon ng kalyeserye, sya ay naging si Rihanna at Lola Nidora. Define versatility now.

Today’s hashtag #AlDubEBforLove already reaches 24Million tweets and counting! Never underestimate the power of #ALDUBnation! NEVER!!

image

image

Legit!! Their first picture together! And magkakaron pa ng second, third, fourth at maraming marami pa!

And iniisip ko pa din ngayon kung ano ang laman ng sulat ni Maine kay Alden.

image

Tuloy ang forever!!!

P.S bakit nga ba “AlDub to MaiDen: Totohanan na to, uyyy” ang title ng blogpost ko na to? Kasi si Alden at Maine ang napanood ko kanina eh, not the fictional Alden’s character and not Yaya DUB. Haha Naniniwala ako sa forever nila Tisoy at Meng. Naniniwala ako na hindi malabo na maging sila talaga. Itanong mo pa yan sa naipawis ni Alden! Hahaha Naniniwala ako na espesyal na sila para sa isa’t isa. Naniniwala ako na they have each other’s back now. Naniniwala ako na they are really God’s gift for each other. Naniniwala ako sa forever nila. Umaasa ako sa forever nila. (sumipa na naman ang pagkahopeless romantic ko haha)

Happy National Pabebe Wave Day! Spread love, happiness and good vibes! We are one! 👋

Si Bae at si Yaya Dub | version 2.0

Because I’m way too happy on what had happened last Saturday, my second blog entry for AlDub or MaiDen came up. Until now, I can’t get over from kilig!!

I considered them as phenomenal loveteam, and I wanted to look back on where it started.

Eat Bulaga is indeed part of my childhood, bata pa lang ako, pinapanood na yan sa bahay, and now that I’m already 25, may EB pa din. And I remembered Joey de Leon once said, ‘hanggang may bata, may Eat Bulaga’ , and it just stuck on my head from then on. Ang dami na nilang segment na nagawa, this one segment Juan for All All for Juan is obviously reaching out to people, helping the less fortunate.

Since my work requires a night shift, medyo di na ko ganun nakakapanood ng EB and then there’s one time, my sister is telling me about certain Dr. Doraderm the Explorer and I was like sino yun? Sabi nya manood ka ng Eat Bulaga, so I did, aside from Sugod Bahay and Bayanihan, may dinagdag pala sila sa Juan for All All for Juan segment and that is Problemmmmmmmmm Solvinggggg!!!! Nagulat pa nga ako ng nakita ko si Alden as host ng EB at una kong reaksyon, ‘oh bakit naman andyan na din si Alden?’ (Hahaha)

So si Doctora pala ay si Wally, binibigyan nya ng gamot ang mga tao sa barangay para makatulong sa problema nila, and tawang tawa ko sa kanya. So simula nun, bilang natuwa ako kay Doctora DoraDerm at sa mga gamot nya, gigising ako sa tanghali para lang makanood, and eto nga may seminar si Doc sa Africa, so kami ng kapatid ko, brainstorming kami kung sino papalit, sabi ko si Wally din yan, iba lang character, and I was right! Lumitaw si Lola Nidora kasama ang sidekick nyang si Yaya Divina Ursula Bukbokova Smash in short DUBSmash, the snobbish yaya, kaya pala ganun ang name nya kasi puro dubsmash ang gagawin nya, bakit hindi eh dun sya sumikat sa internet.

As far as I remember bilang snobbish at masungit ang role ni Maine as Yaya, parang chinachallenge ni Joey si Jose kung kaya nilang pangitiin si Yaya DUB, unfortunately, di nila napangiti. Next day, dubsmash ng bongga si Yaya, nagfocus ang camera kay Alden na nanonood, and guess what, biglang nanlaki ang mata ni Yaya, naconcious at biglang napangiti. Sabayan pa ng panunukso ni Allan K. ng ‘uyyyy si yaya, nakoconcius kay Alden’, at si Joey, ‘ngayon lang ngumiti yan’ and seriously I find it cute. Yung feeling na nakita at napansin ka ng crush mo! Idagdag pa si Jose at Paolo ng ‘baka marunong ding magdubsmash si Alden’, and Twerk it like Miley was played. Yaya waved to Alden, her pabebe wave, and then AlDub was born.

Thursday, weeksary daw ng AlDub, sinong makakalimot ng nagpadala si Alden thru riding in tandem ng bouquet at Hany sa barangay para kay yaya!

Bilang marami silang napasaya at napakilig, ayan na nga nagkaroon na ng storyline, nagkaroon ng kauna-unahang kalyeserye sa telebisyon.

And here’s Lola Nidora, ang pumipigil sa pagmamahalan ng AlDub na ayon sa kanya ay makakamit sa TAMANG PANAHON! Totoo naman, ang isang pagmamahal o ang isang pag-ibig pag hindi minadali at hinintay sa tamang panahon ay walang kasing tamis at mas papahalagahan ng dalawang nagmamahalan.

Ano ba ang meron sa AlDub, bakit ba ko kilig na kilig sa kanila, kasi siguro napakanatural ng feelings nila. Yung never pa silang nagkita, split screen lang lage, isa sa Broadway, isa sa barangay. LDR! Pero ramdam mo yung chemistry at yung connection nila. Kikiligin ka sa mga fan signs nila, sa mga ramdon songs na dinadubsmash nila, yung mga ngiti nilang totoo, yung mga kilig nila na di maitago! Hahaha

At dahil nga sa nagkaroon na ng storyline, dumating na din si Frankie Arinolie, ang bet ni Lola para kay Yaya. Sino ang di nalungkot nung magkikita na sana sila pero nahimatay si Maine? Sino ang di malulungkot nung akala natin mapipigilan ni Alden ang kasal ni Yaya at Frankie pero di nya nagawa dahil ng mga Rogelio Rogelio Rogelio. Na in the end umamin din naman si Lola na peke lang ang lahat at nagsorry pa sya kay Alden! I was like ano na ang magiging twist ulit bilang nagsorry na si Lola kay Alden? Okay na ba? Napaka unpredictable ng mangyayari!

At bilang may gustong patunayan si Lola Nidora, nagbigay sya ng hamon kay Alden. At dahil lumalaban ang pambansang bae para sa tamang panahon, nakadalawang puntos na sya. Sino ang di maeexcite nung tinakbo ni Alden simula Broadway hanggang EDSA? I think ang tanong ng lahat, makakaabot ba sya?? Sino ang di maeexcite nung nilangoy nya ang mga sili na tinapon ni Lola sa olympic size swimming pool? I think ang tanong ng lahat magawa kaya nya?

As day goes by, parang gusto ko ng isipin na nagiging totoo na lahat eh! Sino ang di kinilig nung sinulat ni Alden ang pangalan ni Maine sa halip na Yaya Dub?

Yung mga pabebe wave nila na nasundan na pabebe swear at yung recent na pabebe whispers. Hihi

Nagsilabasan din ang kapatid ni Lola Nidora, na sina Tidora at Tinidora at si Isadora na totoong nanay daw ni Yaya! (Whaaaaat)

What I like most sa EB eh nakikinig sila sa viewers! Merong isang episode na konti lang ang exposure ng AlDub bilang ang role ni Maine that time ay si Isadora. (you know who) Marami akong nabasa sa twitter na bitin daw, nakakaumay na kasi hanggang ngayon di pa din nagkikita ang AlDub. Nung sumunod na araw, binusog nila tayo ng kilig at saya. Nagkaroon pa nga ng LQ ang dalawa! Haha tuwang tuwa ako dun! And Joey de Leon gave hints and clues na pwedeng sa Sabado, yun na ang tamang panahon!

And then September 05, 2015 happened. Nangyari na ang inaasam asam nating maganap. Nagtagpo na nga ang mga mata nila! Omgggggg!!! Nagkita na sila!!!!!!

image

image

Sino ang hindi napatili? Sino ang hindi napatalon? Some were saying na hopia daw, nahhh, for me it’s not hopia! Kahit gaano pa kaikli yung ganap na yun, ramdam mo yung intensidad ng kilig, yung mixed emotions ni Maine, yung nerbyos ni Alden! Tumatagos sya dude!! When they’re running back and forth, I was like ‘Maine stay right there, pupunta dyan si Alden’ and when God Gave Me You was played, I just died!!!! Ghaaaaddd!!!

At syempre pa, andito si lola at ang kanyang mga words of wisdom. Hindi nya hinayaan na magkalapit yung dalawa! Grabe! That was so heart breaking, yung malapit nyo ng maabot ang isa’t isa pero biglang may pumagitan!

Right after EB, I opened my twitter and these make me kilig even moooooore!!

image

image

And my thought is ‘nahiya pang imention ang isa’t isa’. Hihi

They really took the whole nation by storm. In two months time, they already bagged an award. Thank you 5th Eduk Circle for recognizing AlDub or MaiDen as Most Popular Breakout Loveteam!

Haaay! Ang saya lang. Good vibes lang parati!

And sabi nga ni Allan K. , tinataga nya sa malaki nyang ilong na maging totohanan ito sa TAMANG PANAHON. In God’s perfect time.