Bitiw

Kaytagal ko nang naghihintay sayo
Kaytagal ko nang inaabangan pagbabalik mo
Ngunit wala pa din kahit anino mo.
Babalik ka pa ba
O lalakad na ko palayo?
Darating ka pa ba
O bibitiw na ako?
Hindi na ako magbibigay ng isang pagkakataon
Sapagkat napapagod na din ang kabuuan ko
Sa walang katapusang paghihintay sa isang tulad mo.
Babalik ka pa ba?
Dahil lalakad na ko palayo.
Babalik ka pa ba?
Dahil bibitiw na ako.

Bibitiw na ako.

Naghintay. Umasa. Nasaktan. Nagmamahal

Nandito pa din ako- naghihintay.
Naghihintay sa’yo.
Sa pagbabalik mo.

Nandito pa din ako- umaasa.
Umaasang ako pa din ang mahal mo.
Ang syang laman ng puso’t isip mo.

Nandito pa din ako- naghihintay.
Naghihintay na muli kang makapiling.
At sana’y iyong masambit na ako lang ang iyong hiling.

Nandito pa din ako- umaasa.
Umaasang wala pa akong kapalit.
At walang oras na sa puso mo ako’y nawaglit.

Nandito pa din ako.
Naghihintay.
Umaasa.
Nagmamahal.

Ngunit alam kong madami ng nag-iba
Hindi na ako, kung di sya na.
Wala ng ako, pumalit ay sya.
Wala ng tayo, kayo ang meron na.

Ngunit kahit ganon,
Nandito pa din ako.
Patuloy na naghihintay.
Patuloy na umaasa.
Patuloy na nagmamahal.
Patuloy na nasasaktan.

Pasa-saan ba’t darating din
Tamang panahon para ika’y limutin,
Tuluyang tanggapin at ganap na sabihin,

Minsan akong naghintay.
Minsan akong umasa.
Minsan akong nasaktan.

Ngunit patuloy pa ring nagmamahal.