

It’s been a year since my last hike, that was February 2017 in Mt. Maculot.
Since I was so fed up and stressed in my current job, I filed a 3-day vacation leave. I said to myself that I have to go somewhere to spend my 3 days’ vacation. And since my friend is also mending her broken heart, she decided to go on hiking so why not join her.
We agreed to climb Mt. Manabu in Sta. Cruz, Sto. Tomas, Batangas. One of our friends already climbed Mt. Manabu so we decided not to have a guide.
At 5:30AM, we’re at the registration point already. At 6AM, we arrived at the starting point. (Exciting!!) So nagsimula na kaming umakyat, sabi nila visible naman daw ang trail and kailangan lang namin sundan yun. Meron ding mga guide map so push! Narating namin ang Station 2 around 7AM. Nakakapagtaka lang na parang hindi naman paakyat yung dinadaanan namin. Good thing, may napagtanungan kami, yun pala naliligaw na kami. (yikes! lol) Sabi ni kuya, papunta na raw CALABARZON ang labas namin. Nakakaloka, sa halip na bundok ang mapuntahan, toll way ang mararating. (LOL)
Medyo mahabang lakarin ulit pabalik ng station 2 pero keri, pawis pa mooore! Nung nakabalik na kami sa station 2, tinandaan na namin ang sinabi nila na derecho lang ang daan.
Patarik na ng patarik ang dinadaanan namin kaya feeling namin tama na yung tinatahak namin. Thanks God, narating namin ang Station 5 o kung tawagin nila ay Kapihan ni Tatay Tino. Dito sa station na ‘to libre ang kape at take note, hindi basta kape ha, civet coffee lang naman ang iinumin mo- kape na galing sa poop ng alamid.
Nang makarating kami sa summit kung san nandun ang malaking krus medyo foggy pa kaya hindi pa masyadong kita ang view.
Honestly, I need more of this. Less worry, less stress. Yung happy lang, yung payapa lang ang nararamdaman mo. Panatag ang pagkatao mo.
At pag bumalik na tayo sa realidad ng buhay, mas handa na tayo. Meron na ulit tayong sapat ng lakas at determinasyon para harapin ang lahat.

























You must be logged in to post a comment.