Anonymous

Hindi ko alam kung anong meron sayo
Tila ba’ga napakamistersoyo mo.
Pag ako’y tumitingin sa mga mata mo
Parang ang lungkot-lungkot nito.
Hindi ko alam kung bakit ako ganito sayo
Gusto kong malaman ang nasa puso mo,
Marinig ang saloobin at hinanaing mo.
Gusto kong malaman kwento ng buhay mo.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin
Hindi ko alam kung paano ko ipaparating
Pero sana ay batid at ramdam mo rin
Na ako ay kaibigan mong maituturing.
Kaya kung kausap ay kailangan mo,
Wag mahiyang lumapit at andito lang ako
Handa akong makinig sa sasabihin mo
Kahit abutin tayo ng isang linggo.