Okay, eto na nga, pagkatapos kong magresign sa UHG last July 2017, wala pa ulit akong matinong gala na as in masasabi ko na nakapag-relax ako. Kasi naman, ang dami kong issue. LOL Nag-apply ako sa Results na tumagal lang ako ng 3 months at nagresigned din, bukod kasi sa medyo hassle yung account, nakaka-stress din ang working environment. Sagaaaaad!! And then, nagbalik- loob ako sa Teletech, pero ibang account na. Dayshift. Mahirap yung account ko ngayon kaya naman talagang sabi ko kailangan ko naman ng break.
Kaya naman nung inaya ako ni Bea na pumunta sa Masasa Beach sa Tingloy, walang pag-aalinlangan, sama agad.
Super na-enjoy ko ang weekend getaway na ‘to. First time ko kasi dito sa Masasa. First time ko din na makasakay sa malakihang bangka na talagang pambyahe. Ang sarap sa feeling.
So pagdating namin, after kumain and all, punta na kagad sa dagat.


Sobrang ganda naman nga pala talaga ng Masasa Beach. Malinaw yung tubig, maputi at sobrang pino ng buhangin.
Kinabukasan, island hopping and snorkeling naman ang pinagkaabalahan namin. Pumunta kami sa Sepoc Island, Sombrero Island (yan lang ang natandaan ko) Hahahaha






Hindi na kami bumaba sa mismong Isla ng Sombrero kasi may bayad na Php 200. Eh ang pag-snorkeling, dun lang din naman sa paligid ng Sombrero Island.

First time ko ding magsnorkeling, ang saya lang. Naisip ko, siguro kung marunong akong lumangoy, mas maeenjoy ko pa lalo yung snorkeling. Ang linaw ng tubig, ang dami ng isda. Tapos may pawikan pa.
Unang getaway ngayon 2018 at sobrang ang saya sa pakiramdam. Parang feeling ko ang dami kong nagawa pero hindi ko ramdam yung pagod. Enjoy talaga.
Discover more from The Life She Creates
Subscribe to get the latest posts sent to your email.

